“Alex, Alex, pasensya na.” Yan ang mga huling katagang
narinig ko galing sa kanya.
Ako
si Alexa De Vera, labing walong taong gulang. Nag-aaral sa Pamantasan ng
Makati. Maliit, mataba, kayumanggi, maiksi an buhok. Bilugan ang mga mata at
may ngiting nakakahawa. Ako si Alexa De Vera.
“Hi Ate Alex”
“Hi Ate Alex”
Kaway dito, kaway doon. Ganyan ako araw-araw
tuwing dumadating sa aming eskwela. Sabi nga nila, ako ang ate ng bayan. At
pupwede ng tumakbong mayora sa dami ng kakilala. Pero may isang tao, isang tao
na hindi bumabati sa akin. Siya Dan Joseph. Matagal ko na siyang napapansin,
kasama ko siyang kumanta sa isang pagtatanghal ng koral ditto sa pamantasan.
Pero bakit hindi niya ko pinapansin? Bakit kaya? Sa tuwing nakikita ko, bigla
sya’ng yuyuko at aarte na parang walang nakita. Bakit kaya?
Gusto kong masagot lahat ng mga tanong ko.
Nakit hindi niya ko pinapansin? Bakit niya iniiwasan ang aking mga tingin?
Bakit patang gusto kong batiin niya rin ako? Bakit? Bakit? Bakit?
Dumating ang araw na hindi ko na kaya ang mga
tanong na sumasagi sa aking isipan. Kaya’t ako’y nag pasya na kunin ang kanyang
“cellphone number” sa kaibigan niya.
Alex: “Sandy! Sandy!”
Sandy: “Oh, ate bakit?”
Alex: “May number ka ba ni
Dan Joseph?”
Sandy: “Si DJ? Oo naman,
bestfriend ko yun eh.”
Alex: “Kunin ko naman.”
Binigay
ni Sandy ang “cellphone number” ni DJ sa akin. Ang tagal kong nag isip bago ko
sya i-text.
Dumaan
ang mga araw at gabi. Palagi kaming mag katext at magkachat sa facebook. Isang
gabi nag ring ang aking cellphone *ring-ring*
Alex: “Hello”
DJ: “Hi”
Alex: “Napatawag ka?”
DJ: “Gusto ko lang
marinig boses mo.”
Alex: “Baliw! Ano naman ang
pag-uusapan natin?”
DJ: “Kait ano. Busy ka
ba?”
Alex: “Hindi naman,
gumagawa lang ng report sa Psychology, pero matatapos na din.
DJ: “Kakantahan na lang
kita.”
Alex: “Sige ba.”
DJ: (Kumanta ng Ako’y sa'yo, Ika'y akin)
Ikaw na ang may sabi na
ako?y mahal mo rin
At sinabi mong ang
pag-ibig mo’y ‘di magbabago
Ngunit bakit sa tuwing
ako’y lumalapit ika’y lumalayo
Puso’y laging nasasaktan
pag may kasama kang iba
‘Di ba nila alam tayo’y
nagsumpaan
Na ako’y sa iyo at ika’y
akin lamang
Kahit anong mangyari ang
pag-ibig ko’y sa ‘yo pa rin
At kahit ano pa ang
sabihin nila’y ikaw pa rin ang mahal
Maghihintay ako kahit
kailan
Kahit na umabot pang
ako’y nasa langit na
At kung ‘di ka makita
makikiusap ka’y Bathala
Na ika’y hanapin at
sabihin, Ipaalala sa iyo ang nakalimutang sumpaan
Na ako’y sa iyo at ika’y
akin lamang
Alex: “Magaling naman po
palang kumanta.”
DJ: “Ikaw naman.”
Alex: “Ano’ng kakantahin
ko?”
DJ: “Kahit ano”
Alex: “Wala naming ganung
kanta.”
DJ: “Get Here na lang”
Alex: “Okay” (Get here)
You can reach me by
railway
You can reach me by
trailway
You can reach me on an
airplane
You can reach me with
your mind
You can reach me by a
caravan
Cross the desert like an
Arab man
I don't care how you get
here
Just Get here if you can
DJ: “Ang ganda ng boses mo no?”
Alex: “Tigilan mo ko. Tapos na tayo sa report ko, matulog na tayo. Maaga pa tayo bukas
DJ: “Sige. Goodnight Alex.”
Alex: “Goodnight DJ.”
Dumating ang Acquaintance Party naming sa
paaralan, pero hindi sya dumalo. Bakit kaya? Nag pasya akong magtext sa kanya.
Nagkita
kami sa labas ng gate. May kasama siyang isang babae at isang lalaki. Kasama ko
naman ang bestfriend ko.
Alex: “Hi!”
DJ: “Hello” (may
pagkaway)
Alex: “Ayos ka lang?”
DJ: “Oo naman”
Tumingin
ako sa kanya, halos ipagsiksikan niya ang buong katawan niya sa pader.
DJ: “Nga pala Alex si
Chester, bestfriend ko” (sabay turo sa kasama niyang lalaki). “Tsaka si Mary
Rose, ex ko.” (turo sa kasama niyang babae)
Alex: “Ah, ok.”
Chester: “DJ, ano ba mag-usap
na kayo ng baby mo”
Napatingin
ako kay DJ.
Alex: “baby?”
Chester: “Oo, sabi niya samin
kanina, pupuntahan namin dito sa school yung baby niya.”
Alex: “baby, naman po pala.
Amoy lungad ba ko?” (biglang tawa)
Ngumiti
lang si DJ.
Alex: “Sige na DJ, umuwi ka
na. Nakita mo na ko. Lasing ka na.”
Chester: “Tara na!”
DJ: “Saglit lang,
susulitin ko lang to.”
Alex: “Sige na, uwi na.
i-text mo na lang ako ah.”
DJ: “Sige.”
Pumasok
na ko sa gate ng eskwelahan nang biglang…
DJ: “Alexa!”
Napalingon
ako
DJ: “Mag-iingat ka,
mamahalin pa kita”
Nginitian
ko lamang sya at nag lakad na ko pabalik sa party.
Pagkatapos ng party, pumunta kami ng mga
kaibigan ko sa bahay ng isa pa naming kaibigan, kung saan kami ay nag-inuman. Mga
bandang alas-tres ng madaling araw, nagpasya akong tawagan si DJ.
DJ: “Hi baby”
Alex: “baby ka jan!
nagising kita?”
DJ: “hindi. Hindi pa ko
natutulog”
Alex: “huh? Bakit hindi
pa?”
DJ: “iniisip kasi kita ng
iniisip”
Alex: “Iniisip mo ko, pero
kanina sa school kulang na lang kainin ka ng pader sa pag kakasiksik mo dun.”
DJ: “Nahihiya kasi ako
sayo”
Alex: “Huh? Bakit”
DJ: “Ang ganda mo kasi,
na parang nakakita ako ng diwata”
Alex: “Lasing ka lang.
hahahaha, sige na DJ matulog ka na.”
DJ: “Goodnight baby”
Alex: “Gusto na kita DJ,
sana hindi mo ko pinaglalaruan”
Napangiti lang ako at ibinaba ang telepono.
Kinaumagahan pumunta kami ng
mga kaibigan ko sa Antipolo para mag swimming.
Maya maya may natanggap akong text galing sa
kanya.
Sa pagkakatext niyang iyon, hindi ko alam kung
bakit ako nakaramdam ng takot at hindi ko na siya tinext. Madami akong mga
mensaheng natanggap galing sa kanya, pero ni isa sa mga yun, hindi ko sinagot.
Pagkatapos namin mag swimming napag kasunduan
ng barkada na pumunta sa simbahan ng Antipolo. Hindi na siya nag text sa akin.
Baka napagod na. Nagtirik kami ng kandila at nagdasal. Humingi din ako ng sign
galing itaas.
Alex: “Lord, please give me
a sign. Hindi ko po alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. If magtetext po
sya before 8pm ibig sabihin po may future kami. Kung hindi naman po, ititigil
ko na po ito.”
Umuwi
na kami ng mga barkada ko galing Antipolo nang biglang tumunog ang cellphone
ko. 7:45PM na pala at may nagtext…
Natuwa ako, sobrang natuwa ako. Na hindi ko alam kung may
mapaglalagyan ang tuwa ko. Eton a sign eh, binigay na. Ibig sabihin may future
kami.
Ilang lingo na din kaming
magkatext, chat, at magkatawagan. Hindi ko alam kung bakit dumating yung araw
na nag-away kami…
Paulit-ulit siya ng
pagsasabing hindi kami bagay….
Naging okay kami pag katapos ng maikling pagtatalong iyon...
Okay kami.. Okay na okay kami.
Naiintindihan namin ang bawat isa. Nakakatuwa
yung ganito. Yung hindi kayo pero parang kayo, na naiintindihan nyo ang
isa’t-isa. Yung masaya pag nandyan sya, yung hinahanap hanap mo pag wala naman.
Yung pag naisip mo siya, mapapangiti ka na lang bigla.
Pero…
Pero…
Pero…
Dumating yung araw na kelangan siyang kausapin
ng mga barkada ko.Nag-iinuman kami sa bahay nun. Ako, barkada kong Tourism,
Criminology, IT, lahat sila. Kinausap siya ng bestfriend ko.
Bes: “DJ, ano ba talaga si
Alex sayo?”
DJ: “Gusto ko siya,
gustong gusto ko siya.”
Natuwa ako sa mga narinig ko. At dahil gusto ng
bestfriend ko na makausap siya ng kami kami lang at walang ibang tao. Nag-usap
kami sa kwarto ko.
Bes: “DJ, gusto mo si Alex
diba? Bakit hindi maging kayo?”
Alex: “Bes, okay lang naman
kami ng ganto eh.”
Bes: “Hindi yan okay Alex.
Hindi ka okay.”
DJ: “Complicated pa kasi
kami ng ex ko eh”
Bes: “DJ, bibigyan kita ng
3, 5, or 10 years para makapag move on ka sa ex mo. Magiging kayo ba ni Alex?”
DJ: “Hindi”
Bigla
akong napaiyak.
Alex: “DJ,
lumabas ka na ng kwarto”
Pagkalabas
niya ng kwarto, niyakap ko agad ang bestfriend ko.
Alex:
“Bes, and sakit sakit na. Wala ng mapaglagyan. Bakit ganun”
Bes:
“Hindi ko din alam. Pinaasa ka lang niya”
Dumaan ang mga araw, hindi siya nagparamdam.
Tumitingin ako sa cellphone ko madalas, kung may nagtext. Iniisip ko na sana
magtext na siya sa akin. Kaso wala. Wala na talaga.
Akala ko nakamove on na ko nang biglang…
Nag
message siya saken sa facebook.
Nalito ako ulit. Hindi ko na naman alam ang gagawin. Bakit
ba kasi ang hina hina ko pag dating sa kanya.
Hindi ako sumagot sa chat niya. Tiniis ko sya. Pagkatapos
ng ilang araw may tumawag sa akin…
Sally: “Ate Alex, Sally to yung kaibigan ni DJ. Lasing si DJ
andito kami sa Liways, hindi naming alam gagawin.”
Alex: “Huh? Nasa birthday ako ngayon eh. Sige ganto, tatapusin
ko lang kinakain ko tapos pupunta na ko jan.”
Pag dating ko sa Liways, nakita ko siyang naka
yuko sa lamesa.
JP: “Hi Ate Alex, hindi ako may kasalanan niyan ah. Naghamon
ng 1 on 1.
Ngumiti lang ako.
Umupo
ako sa tabi ni DJ.
DJ: “Bakit kasi hindi na
lang ikaw ang minahal ko.”
Alex: “Kasi tanga ka. Pero
mas tanga ko kasi andito parin ako. Bakit ka ba umiinom?”
DJ: “Si Nila kasi, wala
na talaga kami.”
Alex: “Wag mong pilitin
kung ayaw, masasaktan ka lang. Halika na ihahatid na kita sa inyo.”
Inihatid
k si DJ sa bahay nila. Dumating kami sa kanila ng mga quarter to 12. At
idinoretso ko na sya sa kwarto niya.
Kinausap
ako ng asawa ng kapatid niya…
Ate Girl: “Nag away ba kayo, kaya yan nag lasing?
Alex: “Hindi ate, dahil yan
ay Nila”
Ate Girl: “Kay Nila na naman? Ang sabi niya samin wala na sila. Hay
naku. Dito ka na matulog gabi na, hindi kita papayagan umalis ng madaling araw.
Tumabi ka dun kay DJ.”
Alex: “Opo”
Tumabi
ako sa kanya, bigla niya kong niyakap.
DJ: “Buti na lang andito
ka”
Alex: “Mas matanda ako
sayo, ate mo ko kaya aalagaan kita”
DJ: “Alex, ang sakit.
Dito ka lang sa tabi ko wag kang aalis. Wag mo kong iiwan please.
Nakatulog
kami ng nakayapos lang siya sakin na parang bata.
Pag kagising ko, nakayapos parin siya
sakin at nakadantay pa.
Alex: “Bata gising na”
DJ: “Walang pasok”
Alex: “Friday ngayon, anong
walang pasok. Gising na.”
*tok-tok*
May kumakatok sa pinto.
Ate Girl: “Walang pasok, sabi sa balita.”
Alex: “Okay po”
Ate Girl: “Labas na kayo para makapag almusal.
Sumunod
na kami kay Ate Girl, pag labas ng kwarto. Nag kape kami at kumain ng tasty at
itlog.
Pag
katapos kumain ng almusal, onti onting dumating ang mga barkada ni DJ sa bahay
nila at nagyayang uminom.
Nagbago
siya bigla, hindi na niya ko kinakausap pag dating ng mga kaibigan nya hanggang
gabi.
Hindi
ko alam kung anong meron pero nalasing ako.
Ate Girl: “Dito ka na matulog ulit, ipagpapaalam na lang kita sa inyo.
Lasing ka na eh.”
Alex: “Okay po.”
Mga
alas otso ng gabi pumunta na ko sa kwarto ni DJ at natulog.
Nagising
ako ng pasado alas onse. Wala siya sa tabi ko kaya nag text ako sa kanya.
Umuwi na ko ng madaling araw
na iyon. Sabi ko sasarili ko, umasa ka na naman. Nag paka tanga ka na naman.
Pag kalipas ng 2 araw, nakita
ko siya sa eskwelahan. Pilit ko siyang iniwasan.
DJ: “Alex, Alex”
Alex: “Oh, bakit?”
Nakatitig lang siya saken.
Alex: “DJ, tama na.
Nasasaktan na ko. Ayoko na ng ganito. Kalimutan mo ko at lahat ng tungkol sa
akin. I am falling for you and you won’t catch me anyhow.
Tumulo ang mga luha galing saking mga mata.
DJ: Alex, Alex, pasensya na.
Tumakbo ako, tumakbo ako ng
napaka bilis. Para makalayo sa kanya. Para hindi ko maramdaman ang sakit, ang
sakit na dinulot ng maling pag ibig.
Ako lang ang umibig, hindi
niya ko minahal kahit kalian. Pinaglaruan niya ko. Ang sakit sakit sa puso.
Parang may kamay na nakahawak sa puso ko at pinipigilang tumibok.
Ang sakit. Ang sakit sakit.
Wala ng mapaglagyan ng sakit.
Ayoko ng umiyak, pero bakit
patuloy na tumutulo ang mga luha galing sa aking mga mata. Suko na ko.
Magpapahinga muna si Alexa.
- W A K A S –
No comments:
Post a Comment